Chapter 26 KASAMA ni Franco si Samantha habang nasa labas sila ng vacation house at parehong nakaupo sa mahabang bench na nakatapat sa dalampasigan. Malayo ang kanilang pagitan sa isa't isa. Katatapos lamang nitong makipag-usap sa kaibigan daw nito. Bakas ang lungkot sa mga mata nito nang bumalik sa kinauupuan nito kanina. Miss na nito marahil ang mga kaibigan nito. Hindi katulad niya na walang iniisip kun'di ang kanilang negosyo at ang kasal nila ni Kaycee. "Ibibigay ko na sa iyo ang café at ang titulo ng bahay at lupa ninyo, Samantha. P'wede mo na akong iwan at ayusin ang sarili mong buhay." Hindi niya ito tinitignan habang nagsasalita. "Ayoko nang ipagpatuloy pa ang kasunduan nating dalawa, masiyado ka nang nahihirapan dahil sa akin. Ituring mo na lang na masamang panaginip ang mga a