Chapter 14 NAKAPANGALUMBABA si Samantha habang nakaupo sa may sofa. Nasa kaniyang kandungan ang isang half gallon na chocolate hazelnut ice cream. Hawak niya ang kutsara habang nag-iisip ng p'wede niyang gawin. Nagwalis siya ng bahay ni Franco kanina. Nag-map rin siya ng sahig at kinausap ang mga indoor plants na nasa entrance ng loob ng bahay nito. Hindi naman siya takot sa multo napakalungkot mag-isa sa napakalaking bahay. Dumiretso siya nang pagkakaupo at tumingala sa second floor. Gusto niya iyong matignan. Curious siya sa kung anong bagay ang naroon sa itaas. May tambak ng pera ba roon kaya off limits siya? O kaya naman ay may baul doon na puno ng gold bars. Tsk, ano bang pumapasok sa isip niya. Baka mamaya ay may CCTV sa second floor at mapagbintangan pa siyang magnanakaw ni Franco