Chapter 61: Continuation Ala una na ng madaling araw nang marating nina Samantha ang San Celestino. Kung saan nadatnan nila si Manang Ditas na nakaupo sa may veranda ng vacation house nina Franco. May hawak itong tasa na wala ng laman marahil ay kanina pa ito naroon at kanina pa sila hinihintay na dumating. Dahil nagkaroon ng motorcycle accident sa highway na dinaanan nila. May mga motorista na nagbanggaan sa sobrang kasalingan. At nadamay pa sila dahil nakapagitna ang rumospondeng mga pulis at medical teams ng hospital sa gitna ng daan. Kanina pa nagrereklamo si Franco dahil nagugutom na raw ito. Kinonsensya pa siya ng binata dahil hindi niya ito inalok na kumain sa kanilang bahay kanina. Bigla tuloy siyang naawa rito. Kasalanan din naman ni Franco kung bakit siya naiinis. Hindi niya m