Chapter 47 "Franco, tama na iyan. Lasing na lasing ka na," nag-aalalang sabi ni Pepper sa kaibigan. Sinamahan niya ito sa bahay nito sa Diamond's Subdivision dahil mukha itong lutang kanina. Hindi niya alam kung ano ang problema ng kaniyang kaibigan pero ngayon lamang ito umiyak sa kaniyang balikat. Matapang si Franco pagdating sa mga tao. Mabagsik ito at kinakatakutan ng mga empleyado pero kanina. Halos hindi niya ito makilala. Ibang-iba ang Franco na narinig niyang umiiyak. "Aga... Agapito... ni-niloko ako... ni-niloko ako. Pinaniwala ako ni Don... ni Don Eduardo. Hindi ako... hindi ako ang tunay na anak niya kun'di si Tres." Inihagis ni Franco ang bote na may lamang alak. Humiga ito sa may damuhan sa garden habang humihikbi. "Namuhay ako sa pagkukunwari... Agapito." Ramdam ni Pepper