Chapter 17 IPINASYANG magtungo ni Franco sa isang restobar na malapit lamang. Katapat iyon ng Happy Café na negosyo ni Tres. Hindi pa rin lumalabas ng kuwarto si Samantha. Marahil ay nagalit na ito sa kanitya dahil hinalikan niya ito. Natukso siya at hindi niya rin inakala na tutugunin ni Samantha ang kaniyang halik. Hinihintay niya na itulak siya nito o hindi kaya naman ay sampalin pero hindi iyon ginawa ng dalaga. Ang ikinakatakot niya nagyon ay baka bigla siyang iwan ni Samantha at umatras ito sa usapan nila. Napailing na ininom ni Franco ang inorder niyang beer. May mini bar naman siya sa kaniyang bahay pero mas ginusto niyang lumabas para malayo ang sarili sa dalaga. Mukhang hindi na muna siya magpapakita rito ng dalawang araw para makalimutan nito ang ginawa niya. Nakakatuwa lama