"Sorry Ate Elly ha? Kundi ka naman kasi naglandi hindi ka naman gaganyanin ng lahat eh" napapikit pangungutya ni eliza na may halong pangaasar. Napapikit ako sa inis at para na rin pakalmahin ang sarili ko.. Oo naiinis nako! Mabait ako pero may hangganan ang kabaitan ko.. Mas okay na ang husgahan nila ako kaysa madamay pa ang anak ko. "Enough Eliza!" singhal ni kuya elizar sa kanya. Nakahinga ako ng maluwag dahil don atleast nandyan si kuya alam kong may takot si eliza sa kuya namin. "Why? Totoo naman diba? Naglandi siya kaya ayan buntis sya! Kahihiyan siya sa pamilya natin! Tapos sasabihin nyang si grey ang ama?! Ha?! Pati fiance ko dinadamay pa nya!" Singhal rin ni eliza kay kuya. Napayuko na lang ako at palihim na umiyak. Bakit ayaw nilang maniwala sakin? Si Grey lang ang un