Tahimik lang akong nakasakay dito sa van, hindi nila ako tinalian pero nakabantay sila sa mga gagawin ko. Taimtim lang akong nagdadasal ng tahimik baka kasi mapahamak ako at madamay Pa ang nasa sinapupunan ko.. Naging masama ba akong anak? May nagawa ba akong kasalanan sa iba? Para maranasan ko lahat ng ito? Ang gusto ko lang naman tahimik at payapa ang magiging buhay namin ng anak ko pero bakit humantong sa lahat ng ito? "Opo boss! kasama na namin sya.. anong gagawin namin dito?.. hindi nya kasama ang boyfriend nya.. okay sige.. bye" Napalingon ako sa katabi ko, may binanggit syang boyfriend ko? Teka.. Si Grey ba tinutukoy nya? "Uhm.." napatikhim ako para makuha ko ang attention nila at di ako nagkamali lahat ng katabi ko nakatingin na sakin maliban sa driver. "Sino naguto