"Miss elly bawal po kayo dito!" Naaawang sambit ng guard ng mansion. Pero di ako titigil! Kailangan ko malaman kung nasaan ang anak ko! "Please kuya edgar! Gusto ko lang makausap si mama at si papa! Parang awa nyo na po!" umiiyak na usal ko halos lumuhod nako sa kanya at magmakaawa para lang payagan niya akong papasukin sa loob. "Please miss elly baka masaktan nanaman kayo ng inyong ama. At ayokong mawalan ng trabaho" nakayukong sambit naman ng guard. Nagpipilit parin akong pumasok. Kailangan ko lang silang makausap. "Please kuya! Gusto ko lang makausap sila mama at papa! Papasukin niyo na po ako! Aalis din po ako agad!" pagmamakaawa ko lalo sa kanya Kahit na ayokong paghinalaan sila mama pero kailangan buhay ng anak ko ang nakasalalay dito! Hindi ko kakayanin na mawala ang anak ko

