Pagdating namin ni elizar sa hospital agad naming pinuntahan ang room ni elly. Naabutan naming nandon na sila cinco umiling naman sila na parang dismayado sa sarili dahil hindi nila nahanap si baby diamond. Nandito din ang mag-asawang tumulong raw kay elly na maidala rito sa hospital ang nakakapagtaka lang maraming body guard ang mga ito. "Si Elly?" Tanong agad ni elizar pag punta namin sa kanila. Bumuntong hininga lang si cinco at ang asawa nya at ninguso lang nila ang mag-asawang may kausap na doctor. "Sino sila?" Tanong ko sa kanila. "Hindi rin namin alam basta pagdating namin dito sinabi lang nila na sila raw ang nakakita kay miss elly sa daan" sagot ni cinco sakin. kaya napatango na lang ako sa kanya. Umalis naman si elizar na parang pupunta ata sa opisina niya. Naghintay lan

