Chapter 29

2276 Words

KINABUKASAN ay ipinasya ni Zebianna na huwag munang sumabay kay Azriel sa pagpasok sa university. Para bang gusto muna niyang idistansiya ang sarili mula rito. Hindi pa rin siya nakaka-move-on sa nangyari kagabi. Kung paanong ipangalandakan ni Shantal na boto ito sa classmate ni Azriel na si Aliyah. Gusto nga niyang isipin na sinasadya ni Shantal na iparinig iyon sa kaniya dahil nagdududa ito sa kaniya na may pagtingin sa anak nitong si Azriel. Huminga siya nang malalim nang maramdaman na naman ang animo paninikip ng kaniyang lalamunan. Ang sakit pala talaga kapag harapang ipamukha sa iyo na hindi ka nababagay sa anak ng isang mayamang tao. Nakakapanliit. Napahinto si Zebianna sa paglalakad nang biglang huminto ang sasakyan ni Azriel sa unahan niya. Isang dipa ang layo mula sa kaniya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD