HINDI PA RIN makapaniwala si Samarrah na totoong may nangyari na sa kanilang dalawa ni Azriel. Parang kailan lang, palagi pa niya itong tinutudyo. Habang ito naman ay panay ang tanggi sa kaniya. Nagmulat ng mga mata si Samarrah at pinagmasdan si Azriel na nakapikit ng mga sandaling iyon. Nakatagilid ito ng higa paharap sa kaniya habang yakap siya sa may baywang niya. Mukhang napagod din ito sa katatapos lang na namagitan sa kanilang dalawa. Gusto rin niyang umidlip. Ngunit hindi siya dalawin ng antok. Kaya heto siya ng mga sandaling iyon, matamang pinagmamasdan ang kaniyang nobyo na mas nakatulog pa kaysa sa kaniya. Siguro, dala na rin ng hindi nito pagkakaroon ng matinong tulog nang nakaraang gabi kaya mabilis itong iginupo ng antok. Hinayaan lang naman niya si Azriel na umidlip. Napa

