BAKIT GANOON? Hindi magawang magsaya ni Zebianna sa kaniyang nalaman na damdamin ni Azriel para sa kaniya? Gusto rin siya nang taong gusto niya. Pero dahil sa ina nito, napakahirap maging masaya. Napatingin si Zebianna kay Azriel nang ihinto nito ang kotse, may dalawang kanto ang layo mula sa mansiyon ng mga ito. “Baka naman pagkatapos ng gabing ito, iwasan mo ako?” ani Azriel na bumaling din ng tingin sa kaniya. Hindi agad magawang tumugon ni Zebianna. Maging siya ay medyo magulo ang isip. Ano ba ang dapat niyang gawin o iakto pagkatapos nitong magtapat sa kaniya? Alam niyang hindi na normal ang lahat. “Don’t you dare, Zebianna. Baka makalimutan ko na nasa iisang bahay lang tayo at kasa-kasama natin ang pamilya natin sa bahay na ‘yon.” “A-ano’ng ibig mong sabihin?” “Simple lang.

