“BAKIT GUSTO mong magtiyaga sa akin, Kennedy?” hindi napigilang itanong ni Bia kay Kennedy nang lapitan ito sa kinatatayuan nito. Habang ang kaniyang tingin ay nasa malayo rin katulad nito. “Wala naman akong ibang maipagmamalaki sa iyo o sa pamilya mo. Ni hindi ako nakapagtapos sa college. Napakapangit ng background ko.” Malungkot pa siyang napangiti. “Tapos, magkikita pa tayo, nagtatrabaho naman ako bilang escort girl. ‘Di ba, nakakahiya?” Bumuntong-hininga si Kennedy. Pagkuwan ay pumihit ito paharap kay Bia. “Mas nakakahiya ‘yong umaasa ka lang sa magulang mo para mabuhay. Pero hindi ka ganoon. Dahil kahit mahirap ‘yong buhay mo, nagtatrabaho ka pa rin para hindi maging pabigat sa nanay mo. To think na ang isang katulad mo ay lumaki sa mayamang pamilya, pero nagawa mo pa ring magsumika

