MAY INIHANDANG stag party ang mga kapatid ni Samarrah para sa kaniyang nobyo na si Azriel. For boys only lang daw kaya bawal siyang dumalo. Sa isang suite sa Alager Hotel gaganapin ang naturang stag party. “Pumayag ka talaga, Love?” kulang na lamang ay mapasimangot si Samarrah. “Love,” ani Azriel na para bang tinatantiya ang reaksiyon niya. “Mga kapatid mo ‘yong nag-prepare ng party. Hindi ko naman sila mahihindian. Alam mo naman na bumabawi pa ako sa kanila. Saka, naroon naman ang daddy mo, Love. I’m sure, wala silang gagawing kalokohan.” Napabuntong-hininga si Samarrah. Sa tulong ng kaniyang mga magulang, naihanda na ang lahat ng kakailanganin para sa church wedding nila ni Azriel. Maging sa reception. Petsa na lang ng kasal ang hinihintay nila. May point na nakaka-pressure din. Ak

