Typos and grammatical error ahead!! ¤¤¤ PERTH POV: ¤¤¤ Napapangiwi na lamang ako kapag susubukan kung ihakbang ang mga paa ko. Humahapdi ang likod ko. At hindi din ako makaupo ng maayos. Kailangan kong bilisan ang kilos ko pero hindi ko naman magawa. "Where are you going baby?" Napalingon ako ng marinig ko ang boses niya. Iniiwasan ko pa naman na makita niya ako sa ganitong kalagayan pero heto na naman siya. Ang bilis naman yata niyang ibinaba ang kinainan ko. Nakakahiya kasi ang kalagayan ko. Ano na lang ang iisipin niya ngayong nagpaubaya na naman ako sa kanya. Hindi lang isa kundi dalawang beses pa. "M-mag sho-shower lamang ako." Mahinang sagot ko. Nanlalagkit na kasi ang pakiramdam ko at parang gusto kong magbabad sa malamig na tubig para maibsan ang hapdi na nararamdaman ko sa