Typos and grammatical error ahead!!! ¤¤¤ PERTH POV: ¤¤¤ "M-Maan Karen, s-si W-wayde?" Halos hindi iyon lumabas sa bibig ko ng maglakas loob akong tanungin dito kung nasaan siya. Nagising kasi akong wala siya sa loob ng opisina kaya agad ko siyang hinanap. Naghintay pero hindi pa siya bumabalik. Kalahating oras na ang lumipas mula ng magising ako pero wala parin siya kaya heto... napilitan na talaga akong tanungin siya sa secretary niya dahil nagugutom na ako. Ngumiti si Karen sa akin. "Maam Karen? Bakit mo naman ako tinawag na maam?" Tanong niya sa akin kaysa sagutin ang tanong ko. "K-kasi s-secretary ka ni W-wayde." "Secretary lang ako. Pero boyfriend ka ng boss ko. Kaya ako nga dapat ang tumawag sayo ng sir na diba?" "Huh!." "Alam ko, Perth. At masaya ako na malaman iyon mismo