Time skip>>>> "ANG SABI mo, pupuntahan mo lang si Milly pero bakit gan'on? Bakit may labanang nangyari? Bakit sa loob lamang ng ilang oras mula ng tumapak ka sa kontinenteng ito ay nakalikha ka na agad ng napaka-laking gulo! May death wish ka ba ha, ungas? Sumagot ka kung ayaw mong makatikim sa akin!" gigil na kompronta ni Luna Aki sa Beta nito na kasalukuyang nasa loob ng detention cell ng DarkMoon pack. Inu Reese who was behind Akira while leaning on the wall snickered and shook his head. "How about you stop strangling him, woman? He'll die from air deprivation if you keep on choking his neck." Tila naman biglang natauhan ang Luna. "Oh, okay!" Buhat sa pagitan ng bakal na mga rehas ay agad na binitiwan nito ang leeg ng uubo-ubo na at namumutlang second in command. Lyme