NAGKAKAGULO sa packhouse ng WhiteFang nang dumating kami roon. May mga packwarriors ang nakaguwardia sa buong paligid na nagbigay sa akin ng kakaibang kaba. Agad na dumiretso ako sa sala kung saan naroon sina Aleca, Akira at si Phil samantalang naiwan sa labas sina Neil upang hintayin si Lyme. "Anong nangyayari? Bakit may mga bantay sa labas?" tanong ko sa mga ito bagamat nahuhulaan na ang sitwasyon. Bumaling sa akin ang bahagyang nagulat na Alpha at ang asawa nito. I released an impatient sigh. "Alec, I am asking what the hell happened in here. May nangyari ba?" muli kong ulit sa tanong dahil sa hindi pagtugon ng mga ito. "Relax, Milly. May nahuli lang ang mga bantay na grupo ng mga rogue na nagmamanman sa hangganan." Si Aki ang sumagot na ikinahinga ko ng maluwag. But thinking back