Ikatlong Persona Sa madilim na bahagi ng Illumina, nakakubli ang tagong lugar na tanging iilan lamang sa mga mamamayan ang nakakaalam. Ang lugar na kung saan ay pinagkulungan at pinamumugaran ng mga nilalang na isinumpa't naging demonyo dahil sa labis na kasamaan at kasakiman na taglay ng mga ito. "Misothea, akala ko ba'y gumagawa ka na ng paraan upang makatakas kaming lahat dito?" naiinip na wika ng isang babae habang nilalaro ang alaga nitong ahas. "Huwag kang mainip Tarisha, isang araw na lang at makakatakas na kayong lahat dito." nakangisi nitong wika. Nasa labas ng Prisoner's Rock si Misothea habang kinakausap ang mga ito gamit ang clairvoyance. "Sino ba ang napili mong pagtaniman ng Poison Ivy Seed? N