Lucy "Lucy, tara na?" Napakamot na lang ako ng batok. Kanina pa ako pilit na pinapasama ni Erycha na pumunta sa pagdiriwang na sinasabi niya. Ayaw ko naman sumama dahil hindi ko naman alam ano ang gagawin ko roon. "Erycha, ayaw ko talaga sumama. Kayo na lang kaya ni Ali?" Tanggi ko. Umiling naman siya at hinila ako patayo. "Ngayon ka pa tatanggi na nakabihis ka na? Saka tingnan mo naman oh, ang ganda-ganda mo sa suot mo. Parang isa ka'ng Maharlika!" Napabuga ako ng hangin. Sinuot ko ang kulay pulang damit na nasa loob ng closet kanina. Hanggang tuhod ang haba nito, at ang tela ay gawa sa silk. Bukod doon ay long sleeve ito at parang turtle neck ang disenyo sa itaas na bahagi. Mabukadkad naman ang