Lymuel Naimulat ko ang mata ko nang maramdaman ko ang sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Ginilid ko ang ulo ko at nakita ko si Ezrah na nakapikit ang mga mata habang nakapatong ang ulo sa hinihigaan ko. Saka ko lang napansin na nasa loob pala ako ng Silid Pagamutan. "Lymuel! Gising ka na!" nagulat ako nang biglang sumigaw si Ezrah. Kasabay nang pagsigaw niya ay nagsipasukan ang iba pa'ng mga kaibigan niya. Napahawak ako sa ulo't dib-dib ko nang makaramdam ako ng kirot. "Ayos ka lang ba? Ano ang nararamdaman mo?" Hinablot niya ang braso ko't pinakiramdaman ang pulso ko. "Kuya, ano ba nangyari sa'yo?" Napangiti ako nang makita ang nag-aalalalang mukha ng pinakamamahal kong kapatid. Napawi ang ng