Ikatlong Persona Gumalaw ang daliri ng dalaga’t kumunot ang noo nito. Dahan-dahang pumilig ang ulo nito’t kapagkuwan ay nagmulat ito ng mata. Nakatulala lang itong tumingin sa kawalan, at sa pagkurap ng mata niya’y may tumulo roong butil ng tubig. Wala sa sarili niyang hinawakan ang pisngi niya’t napangiti siya nang mapakla. Buhay pa pala siya. Tinukod niya ang magkabilang kamay niya’t dahan-dahang bumangon. Pagtingin niya sa sarili niya’y nakasuot pala siya ng damit ng pasyente sa isang ospital. Inikot niya ang paningin sa loob ng kwarto na kinaroroonan niya, nakakasigurado naman siyang wala siya sa ospital pagkat nasa loob lang siya ng kuwarto niya. “Gising ka na pala. Kamusta ang kalagayan mo?” Bumukas an