Lucy Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin na nasa loob ng banyo na kinatatayuan ko. Ngayong gabi isasagawa ng mga Magistre at mga Maharlika ang plano nila. Hindi nila ako isasama sapagkat kasama na nila ang sword fairy na kamukha ko. Kung hindi nila ako isasama, pupuslit ako upang makasama sa kanila. I tilt my head as I look at my clothes. I'm still wearing my uniform, and this is not a proper attire for a battle. Kinumpas ko ang mga kamay ko't nagbigkas ng salamangkang wikain. Makalaan ng ilang segundo ay nagbago ang suot ko. It's like a metal armored suit. Hapit na hapit sa bewang ko ang suot ko't tanging sa bandang tiyan patungong dib-dib at balikat lang ang gawa sa metal. Bukod doon, isang da