Lucy "Sapphira pwede ka ng maligo riyan." Taka niyang hinawi ang mga dahon ng saging na ginawa kong panakip sa gawa kong mababaw na balon. Nang makita niya ang tubig ay agad nanlaki ang mga mata niya. Tinuro niya ako habang nanlalaki ang mga mata. "A-ate Lucy, hindi kaya 'yon ang abilidad mo?" Nangunot ang noo ko. Ang alin? "Abilidad ko?" Taka kong tanong habang tinuturo ang sarili ko. "Abilidad niyo po ang pagpapalabas, at pagkokontrol ng Elemento ng tubig!" Mangha niyang atugal. Napakamot na lang ako sa batok ko. Kung ka-edad ko lang to'y kanina ko pa siya binatukan. "Makinig ka, ang tubig na 'yan ay nagmula sa ilalim ng lupa, hindi 'yan nagmula sa'kin. Napapaligiran tayo ng mga puno, kung kaya