Mekhi "Binata! Nais mo bang bilhin ang polseras na ito?" Inangat ko ang polseras na sinasabi niya. Dalawang piraso ito. Ang isa'y kulay light pink na may disenyong araw. Ang kapares naman nito'y kulay mint green at may disenyong buwan. "Nag-iisa na lang 'yan, binata. Sinasabing ang sino mang magkakaroon ng polseras na 'yan ay hinding-hindi maghihiwalay hanggang kamatayan. " Napangiti ako. Ibibigay ko 'to sa kaniya sa muli naming pagkikita. "Magkano ho?" Nginitian ako ng matandang babae't kinuha sa kamay ko ang polseras. Nilagay niya ito sa isang maliit na kahon at inabot sa akin. "Limang pilak, binata." Dinukot ko ang limang pilak sa bulsa ko't nilagay ito sa nakabukas niyang palad. "Mekhi? Tara