NAGTAKA si Prinsesa Nekiel nang makababa sa salas at makita ang manager niya. "Sa pagkakaalam ko, wala tayong appoinment ngayon." Aniya sa manager. Kagagaling niya kahapon sa mansiyon nila Prinsesa Gabril. Akala naman niya kung ano ang gagawin nito dahil nagpapatulong ito. Mamasyal lang naman pala sila kaya naman napagod siya kahapon. Napabuntong-hininga si Ms. Rio bago tumingin kay Nekiel. "Wala nga sana pero may nakakabwiset na makulit ang nangungulit at gusto ka daw niyang makilala." Naiiling na saad ng manager ni Nekiel. Kumunot ang nuo ni Prinsesa Nekiel, "sino naman? Wala naman akong maalalang may gusto akong makilala." Napabuga ng hangin ang manager. "Iyon na nga. Pero ang kulit ng lokong 'yon. Gusto mo ba siyang makilala o hindi?" "Sino siya? Hindi ako inte