HINDI ALAM ni Khalil kung ano ang sasabihin niya kinabukasan kay Gabril. Hindi siya nakatulog dahil sa kakaisip niya sa nangyari kagabi. That was actually the most shocking happened to his entire life. Hindi siya naniniwala sa mga hindi pangkaraniwang nilalang. Pero ang nasaksihan niya kagabi ang nagpatunay na totoo sila. Nakakasalamuha ng mga ito ang katulad nilang mga mortal. "So, where do you want me to start?" Tanong ni Gabril kay Khalil habang magkaharap silang nakaupo sa sofa. "Ikaw kung saan mo gustong mag-umpisa." Sabi naman ni Khalil. Hindi naman niya kasi alam kung ano ang sasabihin ng dalaga. Ayaw niyang magtanong dahil baka may masabi pa siya na nakaka-offend. Napangiti si Prinsesa Gabril at napailing. "Pero bago ako magsimula. Matanong nga kita. May