PAGDATING NI PRINSESA MAVIELYN sa venue. Kinuha niya ang purse at ang cellphone. Bumaba siya sa sasakyan at inayos ang sarili. Huminga siya ng malalim at naglakad papasok sa venue. Nang makapasok siya sa venue. Biglang tumahimik ang lahat at ramdam niya ang tingin ng mga ito sa kaniya. Kaagad naman niyang nakita si Hanz kasama si Stella. Sinunod niya ang sinabi mo, Mahal na prinsesa. Nandito na pala ang bruha. Wika ni Luna. Hayaan mo na. At least nandito na tayo. Aniya. Taas nuong naglakad siya palapit sa mga ito at ng makalapit siya ipinalibot niya ang braso sa braso ni Hanz. "Hi, Love." Bati niya rito. Nagulat naman si Hanz sa itinawag sa kaniya ni Mavielyn. Nakangiti na tumingin si Mavielyn kay Stella na gulat na gulat na nakatingin sa kaniya. "P-paanong—" "I