KHALIL's enjoying his stay in the province. Masarap pala ang tumira sa probinsiya. May preskong hangin. Hindi katulad sa syudad na mainit na nga, hindi pa presko ang hangin. He sighed in contentment. Pero bigla siyang nagtaka nang hindi niya makita si Gabril. Nakaupo lang ito kanina sa nakalabas na ugat ng malaking puno pero wala na ito doon. "Sinong hinahanap mo?" Tanong sa kaniya ni Tatay Abel nang makalapit ito sa kaniya. "Si Gabril po." Aniya. "Nakita ko siyang pumasok kanina sa gubat. Siguro mamasyal 'yon. Sundan mo na lang at para makuwi na tayo." Tumango si Khalil at mabilis na nagtungo sa entrada ng kagubatan. Pumasok siya at naglakad sa trail. Saan naman kaya nagpunta si Gabril? Napabuntong-hininga si Khalil. Hapon na at malapit ng gumabi. Alam niyan