"MAHAL NA PRINSESA." Lumapit si Melissa kay Prinsesa Renesmee. At may dala siyang isang baso ng tubig. Napansin niya ang kakaibang ngiti ng prinsesa. Nakikita niyang parang masaya ito. "Mukhang naging maayos ang pinuntahan niyo ni Gabriel, mahal na prinsesa." Ani Melissa. Ngumiti si Prinsesa Renesmee. "Maayos na maayos, Melissa. Nakapagpaalam na kami ni Gabriel sa mga magulang niya." "Mabuti kung ganun, mahal na prinsesa." Ngumiti si Melissa. "Wala akong balak na sirain ang araw mo, Prinsesa Renesmee, pero nasabi mo na ba kay Gabriel ang lunas ng sumpa mo?" Umiling si Prinsesa Renesmee. "Not yet." "Sabihin mo na, mahal na prinsesa, malapit na naman ang kabilugan ng buwan. Bago kayo pumasok sa Arwood, kailangang magamot na ang sumpa mo." Sabi ni Melissa. Tanging t