"BAKIT mo ako hinatid dito sa bahay ko?" Nagtatakang tanong ni Lexander kay Nekiel. Hindi kasi ito umalis ng hospital at nanatili ito doon. Ito ang nag-alaga sa kaniya sa hospital. Masaya naman siya sa nakukuhang atensiyon sa dalaga pero hindi niya talaga maiwasan ang magtaka dahil pakiramdam niya ay may tinatago ito. "Gusto ko lang, bakit?" Ani Nekiel at inalalayan ang binata. "Okay na ako. Kaya ko na." Pigil ni Lexander kay Nekiel. Nahihiya naman siya 'no. Tumikhim siya at binuksan ang bahay pero nagtaka, ang huli niyang maalala ay naka-lock ito pero bakit ngayon ay bukas na ito? "Nanakawan ba ako?" Tanong niya sa sarili at nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay. Nakita niyang maayos ang loob ng bahay niya at mukhang wala namang kinuhang gamit. "Mom?" Gulat ni