Chapter 26 3rd Person's POV Pinatay ni Eos ang t.v. Nakita niya na nakatulala doon si Adara matapos lumabas ang news about sa engagement party nj Beatrice at Silver sa Paris. "Lady Adara," ani nj Eos. Nakayuko si Adara at kalaunan tumayo. Sinabing magpapahinga na muna siya at ayaw na muna nito pumasok. Sa hide out. Dumudugo ang ilong at bibig ni Triton habang nakahiga sa sahig. Walang nakagalaw sa ibang miyembro ng dark circle. Hindi din naman nila alam ang gagawin. "Alam mo ang nangyari ngunit hindi mo sa akin sinabi!" sigaw ni Silver. Tinutok nito ang baril kay Triton na nanatiling nakahiga. "Pagod ka na ba talaga sa buhay mo Lawrenz," madilim ang anyo na sambit ni Silver. Galit na galit ito matapos nga malaman na tinapon lahat ni Adara ang regalo niya at nagalit ito. Sinabi