Chapter 24 3rd Person's POV "Ako lang ba o parang iniiwasan niya tayo?" tanong ni Bianca Kim. Pagkatapos nga doon sa main gate. Nagpresinta si Adara na samahan ito sa magiging classroom nila. Then doon nga kaklase sila ni Adara. After 'non hindi na sila kinausap ng babae either 'nong lunch kahit niyaya nila ito. Humalumbaba si Bianca at nanatiling nakatingin sa likuran ni Adara. Nakaupo lang ito doon at parang may sinusulat. "Gusto ko ng ice cream," sagot ni Riger Smith. Napangiwi ang dalaga at tiningnan ang katabi. "Ice cream monster. Bumili ka na— ibili mo na din ako ng makakain at si Adara," bulong ni Bianca. Tumayo na ang lalaki— iniwan niya doon ang bag at lumabas na. Nakita ni Bianca na lumabas si Riger at sinundan ito ng tingin. Nilingon ni Adara si Bianca na napaupo ng