FAYE Dahil basa ang t-shirts at squarepants na suot ko, napilitan akong hubarin ang mga ito. Wala akong nakitang plastic, kaya iniwan ko muna ito sa sulok ng banyo. Babalikan ko na lang mamaya kapag nakapagbihis na ako. Nagtapis lang ako gamit ang nakita kong tuwalya na nakasabit sa dingding, at pagkatapos, lumabas na ako ng banyo. Naabutan kong nakalapag na sa kama si Baby Janica at nababalot ng tuwalya na ginamit niya sa paliligo kanina. Lumapit agad ako sa kanya dahil basa pa ito, kaya baka nilalamig na siya. Ang awkward man sa pakiramdam na nakahantad ang mga binti ko, wala akong nagawa para makontrol ang sitwasyon. Sumampa agad ako sa kama at mabilis na nilagyan ng lotion sa buong katawan si Baby Janica. Mabilis ang kilos ko dahil malamig dito sa silid. Kahit nakasara na ang air-