FAYE Alas-diyes ng gabi nang dumating si Mang Zarex, dala ang ilang pirasong damit para sa asawa ko. Agad rin siyang nagpaalam matapos nilang mag-usap si Sir Adi at sinabing siya umano ang bahala sa shipment nila papunta sa Barcelona. “Adi, tabi tayo,” yaya ko sa asawa ko. Nakaupo kasi siya sa sofa at nakikita kong inaantok na, pero ayaw pa rin niyang matulog dahil hawak niya ang cellphone at mukhang may binabasa siya. Ngumiti naman si Sir Adi sa akin. “It's okay, honey, you can sleep first, I’m fine.” Napanguso tuloy ako, “Ayaw mo ba akong katabi?” nagtatampo na tanong ko kay Sir Adi. Bigla naman siyang napatuwid ng upo. “It's not like that, honey,” malumanay niyang sagot. “Maliit lang ang kama mo, at may isa pa namang kama sa kabila, kaya puwede akong doon matulog para hindi kit

