FAYE Pakiramdam ko'y sasabog ang aking dibdib habang sakay ako ng elevator at paakyat sa penthouse. Isipin ko pa lang na makikita kong nasa loob ng bahay ang pekeng Mira, ay kumukulo na ang dugo ko. Malaki ang hakbang ko nang lumabas ako sa elevator nang bumukas ang pintuan at nakarating ako sa top floor. Agad akong nag-doorbell dahil wala akong susi. Pinagbuksan naman agad ako ni Manang Norma, pero hindi nakaligtas sa aking mga mata ang gulat na nakita kong bumalatay sa kaniyang mukha nang makita ako. “Lumabas ka pala, Faye,” tila naguguluhan na sabi ni Manang Norma sa akin. “Ang akala ko'y kararating mo lang.” Hindi ko siya sinagot. Agad akong humakbang papasok ng bahay at walang imik na naglalakad papunta sa sala, pero hindi ko nakita ang impostor na si Mira. “Nasaan ang babaeng k

