FAYE Sa tingin ko, naubos ng asawa ko ang aking lakas, kaya nakakaramdam ako ngayon ng labis na panghihina. Dati naman, kahit pagod na pagod ako, nagagawa ko pang bumangon at maligo, pero ngayon, ramdam ko na tila para akong kandilang nauupos. Hinang-hina ako, kaya bago bumaba ng kama, sumandal muna ako sa headboard dahil pakiramdam ko'y ang gaan ng aking ulo at umiikot ang aking paningin. “Honey, are you okay?” narinig kong tanong ni Sir Adi habang nakapikit ako. “Oo,” maikli kong sagot. “Masama pa rin ang pakiramdam mo?” Tumango ako bilang sagot. Hindi rin ako nagmulat ng aking mga mata dahil pakiramdam ko'y umiikot ang paningin ko. Naramdaman kong lumapat ang kamay ni Sir Adi sa aking noo. Dinama niya ang aking balat para malaman kung may lagnat ako. “What exactly are you feeli

