Chapter 236

1802 Words

FAYE Naipon dito sa sala ang anim na lalaking pumasok sa penthouse. Kahit na hirap na hirap sina Kuya Romeo at Armida, nagawa nilang dalhin dito ang mga walang-hiyang nagtangka sa aming buhay. “Ang baho naman ng isang ‘yan,” reklamo ni Kuya Romeo matapos dalhin dito sa sala ang huling lalaking nagdala kay Armida sa storage room kanina. Natatandaan kong tinawag siyang Goliath ng kaniyang pinuno, kaya sinabi ko kay Kuya Romeo na siya ang laging inuutusan ng lider ng kanilang grupo. “Kuya, baka puwede mong tingnan kung saan nila ikinabit ang mga bomba para mabilis matapos si Adi.” Nagkibit-balikat si Kuya Romeo at sumandal sa sofa. “Kaya na ni Aidan ‘yon,” sagot niya. “Huwag mong masyadong bini-baby ang asawa mo dahil tuso ‘yon. Isa pa, katulong naman niya si Sofie, kaya ayos lang kahit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD