FAYE Hindi ako mapakali sa aking kinauupuan dahil nakaramdam ako ng kakaiba matapos kong marinig ang sinabi ni Mang Zarex sa kaniyang kausap. Sa mga nangyayari ngayon, hindi ako puwedeng magtiwala kay Mang Zarex kahit tauhan siya ng asawa ko. Lahat puwedeng maging suspect sa pagtatangka sa akin, kaya minabuti kong huwag ipakita kay Mang Zarex na pinaghihinalaan ko siya. Nagkunwari akong walang narinig at ngumiti sa kaniya nang magtama ang aming mga mata, at nahuli ko siyang nakatingin sa akin gamit ang rear mirror habang nagmamaneho siya. Normal ang kilos ko nang kunin ko ang aking cellphone at mabilis na nagtipa ng text message para kay Sir Adi. Sinabi ko sa kaniya kung anong nangyari sa labas ng unibersidad kanina at nagtanong ako sa asawa ko kung bakit si Mang Zarex ang sumundo sa

