FAYE Napaupo na lamang ako nang sumara ang pintuan at nawala sa paningin ko si Sir Adi. Naiwan akong nakasunod ang tingin sa kaniya at hindi alam kung ano ang sasabihin para pigilan siya dahil hindi ko na magawang alisin sa sistema ko ang nararamdaman kong kaba. “Faye, huwag kang masyadong mag-alala sa asawa mo. Makakasama sa iyo iyan,” narinig kong sabi ni Mama. “Oo nga, Anak, bawal sa iyo ang labis na pag-aalala,” sabi rin ni Mommy. Tumango lang ako at tipid na ngumiti sa kanila. Tama sila, kailangan kong ipanatag ang aking loob. May tiwala ako sa asawa ko. Alam kong maingat si Sir Adi at magaling rin siyang humawak ng baril, pero hindi mawala ang kabang nararamdaman ko dahil alam kong mapanganib ang trabahong ginagawa niya ngayon. Tumayo ako at nagpaalam muna kina Mama na pupuntaha

