Chapter 247

2048 Words

FAYE Mabilis na lumipas ang araw. Naging maganda ang relasyon ko sa aking pamilya. Habang tumatagal, naging malapit ako kina Lolo Sabby, lalo na kay Lola Acally dahil malambing sila. ‘Yon na nga lang, magkaiba sila ng paraan. Brusko talaga si Lolo Sabby, kaya maraming pagkakataon na naiinis ako sa kaniya noon, pero nang makasama ko sila at nakilala, naramdaman ko ang lukso ng dugo na kahit kailan ay hindi ko pala maiiwasan at kayang takasan dahil bahagi sila ng pagkatao ko. Pinagmamasdan ko ang larawang pinadala ni Brando habang nakaupo ako dito sa veranda. Ang cute ng anak ni Lorabel. Kanina ko pa siya pinagmamasdan dahil hindi naman ako makapunta sa ospital kung saan siya nanganak dahil baka masundan ako ni Zarex. Malapit na rin akong manganak. Ang sabi ng doktor ko ay dalawang lingg

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD