FAYE Napag-usapan naming dalawa ni Sir Adi ang tungkol sa Lolo Sabby niya. Matapang at strikto daw talaga ang matandang iyon, kaya lahat ay sumusunod sa kaniya, hindi dahil takot sila sa kaniya, kundi bilang respeto dahil siya ang bumuo ng Magna El Cajon at siya rin ang dating lider ng council. Kahit kaunti lang ang nauunawaan ko, tahimik kong pinakinggan ang mga sinabi ni Sir Adi tungkol sa relasyon niya sa kaniyang Lolo Sabby at sa pagiging miyembro niya ng council at ng isang malaking organisasyon. Hindi sana ako interesado na malaman ang tungkol dito, pero dahil sa mga naririnig kong sinabi ng kaniyang Lolo Sabby, bigla akong nagkaroon ng interes. Sa tingin ko, dapat akong magkaroon ng kaalaman tungkol sa uri ng buhay na pinasok ko dahil ayaw kong sa huli, pagtawanan na naman ako ng

