FAYE Nang pumayag si Lorabel na doon muna siya titira sa isla, tinawagan ko si Daddy. Nagtanong ako sa kaniya kung may available na chopper na puwedeng maghatid sa mga kaibigan ko sa isla, pero ang sabi niya ay itatanong umano niya sa right hand ni Lolo Sabby. Kaya ako na mismo ang tumawag sa lolo ko para humingi ng pabor. Binigyan agad niya ako ng helicopter na maghahatid kina Brando sa isla. Kaya bago ako umuwi sa bahay, hinatid ko muna sila sa lugar kung saan naghihintay ang chopper at umalis lamang ako doon nang makasakay na sila at nakaalis na. Hindi muna ako umuwi sa bahay dahil tumuloy ako sa mansion ni Lolo Sabby. Ang sabi kasi ni Mang Metoy ay pinatatawag daw ako ng lolo ko at may mahalaga kaming pag-uusapan. Pagpasok ko pa lang sa bahay, nadatnan kong nakaupo na sa sofa si Lo

