FAYE Pauwi na sana kami sa bahay nang makatanggap ng tawag si Sir Adi mula sa kaniyang opisyal. Hindi na niya ako maihahatid sa penthouse, kaya sinama na lang niya ako dito sa kampo. Naiwan ako dito sa loob ng opisina ng asawa ko, at dito na lamang ako naghintay sa kaniya hanggang matapos ang meeting niya. Ibang-iba ang opisina ni Sir Adi dito sa kampo kumpara sa opisina niya sa Global City. Mataas ang building doon, malaki at malawak ang loob ng kaniyang working place, hindi katulad dito na maliit, pero hindi rin naman masikip. Tahimik akong naghihintay sa pagbabalik ng asawa ko habang nakaupo sa sofa nang makarinig ako ng sunod-sunod na katok mula sa labas ng pintuan. Nang una, nagdalawang-isip pa akong buksan ang pinto, pero dahil hindi tumigil ang mga katok na naririnig ko, tumayo

