FAYE Masakit ang aking katawan nang magising ako. Umaga na at kailangan kong bumangon, pero hindi ako makagalaw dahil nakayakap sa akin si Sir Adi at nakadantay pa ang kaniyang hita sa aking binti. Kaya pala nangangalay ako nang magising ako dahil nasa akin ang kaniyang bigat. Ginawa na naman niya akong unan, kaya hirap akong gumalaw at kailangan kong alisin ang kaniyang braso sa aking bewang para makabangon. “Adi, gising na. May pasok pa tayo.” Tinapik ko siya sa braso para gisingin dahil kailangan ko nang bumangon. Kapag nagtagal pa ako dito sa kama, baka mahuli ako sa klase at tuluyan nang hindi makapasok. “Adi,” tawag ko sa kanya. Umungol lang si Sir Adi at hinapit ako sa bewang, pasiksik sa kaniyang katawan. “Gising na, papasok pa ako,” sabi ko sa kanya. “What time is it now?