FAYE Dinala muna ako sa isang hotel room ng asawa ko para makapagpahinga daw muna ako. Kahit pupunta kami sa reception ng kasal nina Ate Danaya, nagpahatid siya ng pagkain namin para hindi raw ako magutom. “Ang dami naman nito, Adi,” sabi ko sa kaniya. Ngumiti sa akin ang asawa ko at sinabing kumain daw ako ng marami. “You need to eat properly, honey,” sabi ng asawa ko. “You're losing so much weight nowadays.” Sinimangutan ko si Sir Adi. Paanong hindi ako mangangayayat eh, lagi akong nasusuka sa umaga? Bukod sa maselan ang pagbubuntis ko at mabilis akong mahilo, naging mapili rin ako sa pagkain. Nasusuka agad ako, lalo na kapag karneng baka ang lutong ulam. Igado lang ang nakakain ko na kayang tanggapin ng sikmura ko ngayon, pero ayos sa akin ang gulay at isda. Matakaw rin ako sa pru

