FAYE “Ayos ka lang ba, Lorabel?” Ito ang narinig kong tanong ni Brando sa kaibigan namin nang lumapit ako sa kanila. “Bakit, anong nangyari?” nag-aalala kong tanong ko nang abutan kong umiiyak si Lorabel habang katabi si Brando. “Kasi, Ateng, itong si Lorabel namutla, tapos bigla na lang tumulo ang luha,” paliwanag ni Brando. “Ayaw namang magsalita.” Tumabi agad ako kay Lorabel at niyakap ko siya. “May problema ba?” mahinahon kong tanong sa kaibigan ko. “Nagpakamatay si Mommy,” mahina at halos pabulong na sagot ni Lorabel. Biglang yumugyog ang kaniyang katawan habang nakasandal siya sa aking balikat. “Mag-isa na lang ako, Faye.” “Hindi, nandito pa kami, Lorabel,” mabilis na sabat ni Brando. “Hindi ka nag-iisa, kasi maganda tayong tatlo.” Yumakap rin kay Lorabel si Brando, pero ag

