FAYE “Honey, calm down,” Tumayo ang asawa ko at umikot sa bewang ko ang kaniyang kanang braso. Sinubukan niya akong kausapin at pakalmahin, pero hindi talaga mawala ang inis na nararamdaman ko para sa kaniyang Lolo Sabby. Mas lalo niya akong ginagalit, kaya para tuloy kaming mga batang paslit na nag-aaway ngayon. Ayaw ko sanang mawalan ng respeto sa kaniya, pero tila ba sinasagad pa niya ang pasensya ko at gusto niya akong galitin lagi. “Hay naku, ang boring dito, Carl,” narinig kong sabi ni Sebastian. “Umuwi na tayo at pinalalayas na tayo ng anak mo.” Kanina pa siya nagsasalita na anak ako ng kasama niya. Paulit-ulit ko itong naririnig na para bang gusto niyang ipagdiinan sa akin ang totoo. “Lolo Sabby, buntis po ang asawa ko at hindi makabubuti sa kaniya ang magalit,” paliwanag n

