Chapter 60

1901 Words

FAYE Kanina pa ako nakaupo sa tabi ni Sir Adi habang nakatanaw kami sa malawak na tanawin sa ibaba ng bundok. Walang aircon dito, pero napakalamig ng temperatura. Mataas rin ang lugar na kinaroroonan namin. Presko at malamig ang simoy ng hangin. Pakiramdam ko tuloy ay nasa probinsya ako, malayo sa matatayog na mga gusaling nakapaligid sa amin sa Maynila. Hawak ni Sir Adi ang kanang kamay ko. Kanina pa magkasalikop ang aming mga palad habang magkatabi kami dito sa sofa at nakasandal ang ulo ko sa kaniyang balikat. Tahimik ang lugar na ito. Hindi kami nag-uusap, pero sapat na ito sa akin dahil ramdam ko ang kapayapaan. “Honey, ayaw mo pa bang magkaroon na tayo ng mga baby?” Bigla akong natigilan nang marinig ko ang tanong ni Sir Adi. “Baby?” tanong ko sa kaniya. Bumaling siya sa ak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD