FAYE Tahimik kong tinapos ang aking pagkain, pero ang isipan ko ay abala sa pag-iisip. Binalikan ko sa aking alaala ang nangyari noong araw na pumunta kami sa bahay ni Ate Danaya dahil may gusto akong malaman. Ang sabi ni Sir Adi, magaling raw siya sa teknolohiya, kaya naisip ko na baka na-hack niya ang cellphone ko at iyon ang ginamit niya para marinig ang lahat ng sinasabi ko, pati na rin ng mga taong nakakausap ko. Hindi ako komportable sa ganitong setup. Pakiramdam ko'y wala akong kalayaan at privacy, pero nauunawaan ko naman kung bakit ito ginagawa ng asawa ko, dahil sinabi niyang mapanganib ang mundong kaniyang ginagalawan. Bilang asawa, kailangan niya akong protektahan, pero hindi ko inaasahan na maging ang privacy ko ay maapektuhan rin. Nang matapos akong kumain, nagpaalam ag

